Welcome To Team Ryan

“Ayusin mo nga calls mo! Ampapangit ng calls mo!”

First day ko sa Team Ryan after two months of training and two weeks of transition from trainee to customer service specialist, at sinalo ko ang pagsalubong na ito na parang complimentary drink sa Club Panoli.

Yun nga lang, may lason ang complimentary drink.

Alas-sais y media pa lamang ng lecheng maulang umagang ito, tumatangap na ‘ko ng tawag mula sa mga Kanong may Spanglish accent na nagrereklamo sa mga $0.50 charge sa internet at sumisigaw at the top of their lungs ng “What’s going on?!?!?!” Alas-sais y media pa lang, ginagawa ko na ang trabaho ko. At ikaw Ryan, kaninang lunch break ko lang nalaman na ikaw na pala ang Team Leader ko. Kaya pwede ba, ‘wag mo muna akong sigawan. T*ngina eh.

Pero ganunpaman, tinanggap ko pa rin ang pag-welcome mo sa ‘kin gaya ng pagtanggap sa complimentary drink kapag first day mo sa Club Panoli with extreme prejudice. Maswerte ka, kasi kapangalan mo ang biggest crush ko on earth na hindi ko na naman talaga crush ngayon. Maswerte ka kasi first day pa lang kaya hindi muna ako nagpapakilala ng lubos sa mga tao. Maswerte ka dahil TL ka at isang hamak na agent lang ako.

Nawalan tuloy ako ng gana. Pero nawala ang antok ko. Kanina, pumipikit ako kapag idle time para maipahinga ang mata ko, pero pagkatapos ng warm welcome mo at exactly 14:54, nabuhay ang dugo ko…

Andaming nangyari: tinapos ko ang tawag,”Thank you for calling Sprint, enjoy the rest of the evening!” Nag-clock out sa timekeeping system. Inalis ang headset na walang foam sa ears kaya masakit kapag nagtatagal. Inihagis ang headset na walang foam sa ears kaya masakit kapag nagtatagal sa tabi ng Avaya phone. Kinuha ang wallet, cellphone, yosi case at ballpen na hiram kay Malen mula sa ilalim ng workstation. Itinulak nang medyo malakas ang swivel chair. At sumigaw ng, “FINE!!! I RESIGN!” Sabay walk-out with a teardrop flying from the left eye.

Ang arte ‘di ba?

Syempre, sa isip ko lang nangyari ‘yun. Kasi swerte ka, Ryan. May taglay na ‘kong konting disiplina at maturity ngayon. Putangina naman kasing malutong, napakadaming uri ng tao na ang nakasalamuha ko sa call center na ‘to. At lahat, kupal. Ok, ok, most of them na lang. Hindi lahat kupal. Pero you would really have to squeeze your way in. Tsk, tsk. At syempre, I have been squeezing my way in to this job for months now, up to the point that I even forget squeezing out my own personal zits.

Maswerte ka Ryan dahil hindi kita naging taghiyawat.

Pero malas ako, may lason ang complimentary drink. Walang nagawa ang Celestamine na ininom ko kanina for my hypersensitivity.

And I am in no position to resign because I need this job. Ano na lang ipambibili ko ng gamot para sa hypersensitivity ko, ‘di ba?


Written by kintab_dagitab and first appeared on www.peyups.com.

1448 Total Views 6 Views Today