MRT 2

Dati-rati isa lang ang tren na nasasakyan natin pero doon ka at dito ako. Ngayon andito ako’t nakaupo habang ikaw ay nakatayo sa harap ko, bitbit pa ang gamit ko. Hangswit! Dati-rati kasunod mo lang ako sa pila habang tinitigan ang likod mo, inaamoy ang pabango mo, kinaiinggitan ang tiket na hawak mo. Ngayon mas matagal mo nang hawak ang kamay ko kesa sa tiket. Dati-rati “Officemate” lang ang tawag mo sa akin. Ngayon “Labs” na. Jologs, no? Hay, ang sarap palang magpaka-jologs!

Mabilis nga daw ang pangyayari… dati-rati hinahabol-habol pa kita sa MRT. Ngayon hindi na tayo mapaghiwalay. Ganito pala ang feeling, parang lagi akong lumulutang. Ay! Dati na pala akong palutang-lutang, ang kaibahan lang ngayon kasama na talaga kita habang lumulutang! Adik sa drugs? Hindi ah! Sa iyo, oo! Labo ba? Basta ganun!

Nakatutuwang malaman na pareho pala tayong stalker ng isa’t isa. Madalas mo din akong napapansin sa MRT. Kaya lang akala mo masungit ako kaya hindi mo ko pinagtangkaang kaibiganin noon. Buti na lang may common friend tayo sa office. Ayun na-introduce din tayo sa wakas. At doon na nga nagsimula ang ating love story… yung totoo na. Dati kasi daydream ko lang yun e.

Mula noon, tuwing magkakasabay tayo sa MRT, nagkakuwentuhan na tayo hangggang bumaba, hanggang maglakad papuntang building natin, hanggang elevator. Kuwentuhang walang humpay. Madali nating nakilala ang isa’t isa. Hanggang maging textmate na nga tayo. Kaya madalas nate-tiyempuhan mo na ako sa MRT. Pero syempre hindi ka nagpapahalata. Wushuuuu… kala mo ha hindi ka obvious pag nagtatanong ka kung paaalis na ko. At dahil halos araw-araw tayong magkasabay pumasok, naging tampulan tayo ng tukso. Para akong bumalik sa high school.. Sobrang kilig ko!

Pero ikaw hindi ka nag-enjoy. Nailang ka. Lumayo. Mga dalawang linggo din tayong hindi nagpansinan, hindi nagsabay, hindi nagtext.

Unang araw ng pangatlong linggo, Lunes yun, pinagpala akong makasabay ka. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinabol kita. At sa pagitan ng MRT trip mula SM NORTH hanggang Ayala, masinsinan nating tinalakay ang naging pagbabago sa pagitan nating dalawa. Ayun naman pala, the feeling is mutual. Ang ending, bago bumaba ng MRT tayo na.

Salamt sa MRT. Salamat sa common friend natin. Salamat sa lahat ng nanukso. salamat kay Lord dahil binigay ka nya sa akin… sa wakas.

Written by xander, edited by blue_kuko and first appeared on www.peyups.com on 2nd November 2004.

1234 Total Views 1 Views Today