Maling Alaala

Limang taon na pala kayo ng girlfriend mo. Halos anim na taon naman nung nagdecide ako tayo na kahit pagiging magkaibigan, hindi sa atin pwede. Wala naman akong pinagsisisihan. Ang totoo nga nyan, yung paglalayo nating dalawa ang pinakatamang ginawa ko sa buhay ko. Naging masaya pa din naman kami ng boyfriend ko noon kahit ipinagtapat ko sa kanya ang tungkol sa atin. Napatawad naman nya ako. Yun nga lang, natapos na din ang kaligayahan na yun 4 years ago.

At least ikaw, masaya naman ngayon. Kahit pa sinabi mo sa mga kaibigan natin na ang girlfriend mo eh rebound lang dahil hindi ikaw ang pinili ko. Akalain mo, yun rebound girl mo, pakakasalan mo na ngayon. Panalo ka pa din. Kaya alam kong wala ka ng sama ng loob sa akin. Naisip ko din, kung ikaw ang pinili ko, malamang wala na din naman tayo ngayon. So tama lang talaga lahat ng desisyon ko.

Mga takas na hawak kamay.

Nakaw na sulyap at ngiti.

Patagong pag-uusap.

Bulungan. Na halos hindi bumubuka ang bibig.

Sweet nothings sa email.

Sweet nothings sa text.

Hindi ko naman namiss ang lahat ng ito. Bigla ko lang naisulat kasi nung nakita ko na nagcomment ka sa usapan namin ng isa nating kaibigan sa Facebook, doon ko naalala na minsan pala sa buhay ko, nag-exist ka.

1549 Total Views 6 Views Today