From The Point Of View Of A Pink Pucca Umbrella

Takot ba ka bang mabasa? Baka isa kang gremlin na mag-mu-multiply asexually kapag nabasa? Sa totoo lang, napakahirap talaga magpaka-sipag lalo na pag pasukan dahil ito rin ang simula ng tag-ulan.

Ang hirap bumangon. Puyat pa naman ka pa naman kagabi kakapanood ng mga korean telanobela sa Arirang channel sa cable. Ang sarap pa namang matulog, sa panaginip mo eh nandun pa naman si Sandara. Parang ayaw mo ng gumising ngunit kailangan dahil first impressions last. At ang taong magbibigay sa iyo ng first impression eh makakasama mo ng mahaba-habang panahon… isang buong sem.

Ang hirap maligo. Pila-pila kayo sa pag-init ng tubig. Ang typical na isang oras na pagaayos mo sa iyong sarili eh nagiging isa’t kalahating oras. Ala siete y medya pa naman ng umaga ang una mong klase. Naghihintay ka kanina pa ng mag-a-announce ang CHED na suspended sana ang klase. Ngunit, wala kang choice, elementary at highschool lang ang napagbigyan.

Lumalakas ang hangin, at dumadagundong ang hagulgol ni Inang Kalikasan. Swak na swak pa naman dahil Lady Lee ang pangalan ng bagyo. Na kwento sa akin ng teddy bear mong nabubulok na sa aparador na crush mo daw siya noong kinder ka. He, he, nag-bibinata daw ang alaga niya. Buntong hininga pa niya sa akin na miss na miss na daw niya ang mga panahong niyayakap mo siya bago ka matulog.

Ngayon daw eh bihira ka na lang niyang nakikita. Tuwing gabi na lang at minsan habang nakikipag head jam ka pa sa mga nakaka-bingi mong tunog. Minsan sinumbong din niya sa akin na may kinakalikot ka daw sa iyong shorts habang ni lock mo ang kwarto habang may binabasa kang magazine. Magazine na tipong tinatago sa brief drawer mo.

Dati daw bago ka pumasok sa school hinahalikan mo daw siya. Ngayon, isang poster ng beer na may babaeng halos walang saplot ang hinahalikan mo bago pumasok sa eskuwela at bago matulog. Na mi-miss ka na daw niya.

Nakipag agawan ka sa kuya mo kung ano ba sa aming mga payong ang gagamitin. Naiwan kasi ng bunso niyo ako at nagamit niya ang paborito mong jacket. Naunang nakaalis ang kuya mo bitbit ang katukayo ko na inyong pinagaagawan. Wala kang choice kung hindi gamitin ako.

First impressions last. Gusto mo pa naman maging maangas. Gusto mong mag-intimidate ng mga aanga-angang freshmen. Rocker na rocker pa naman ang dating mo. Che Guevarra t-shirt at fatigue pants ka pa naman. Bagong laba pa naman ang converse mo.

Ayaw mong mabawasan ang angas mo. Kailangan mong maging cute kasi baka may matipuhan kang freshman. Naglipana pa naman ang mga tipo mong Koreana, baka makahanap ka ng kamukha ni Sandara.

He, he, pero nandito ako para sirain ang get up mo!

Takot kang buksan ako dahil mababawasan ang pagkalalake mo. Binibilisan mo ang pag-lakad at halos inumpog mo ako sa sahig ng jeep dahil ikinakahiya mo ako. Naasar ka sa iniisip ng ibang tao, pero hindi mo alam na sobrang preoccupied sila sa ulan para ikaw ay pansinin.

The world doesn’t revolve around you… you… you… self-centered bastard!

Pagkadating mo sa school hinampas mo yung ulo ko sa pader at sinadya mo akong untugin nung ako’y iyong nilapag sa isang tabi ng classroom mo. Sana magkasakit kang walang hiya ka. Pagkatapos kitang iligtas sa ulan ganito ang igaganti mo sa akin. Bakit kasalanan ko bang maging isang kulay pink at may disenyong Pucca na umbrella? Akala mo ba mas okay ka pag naka-jacket ka? Hindi no, dahil mas ayos ang proteksyong aking binibigay kapag umuulan. Aber, pwede ka bang mag-jacket kapag summer? Hindi no.

Poetry pa naman ang class mo. Ulol! Eto’t may nasulat tuloy akong tula para sa yo!

Sa init ako’y nilalabas, ang pawis ko’y di tumatagas.
Sa patak ng ulan, luha ko’y di umaagos. 

Sala sa init, sala sa lamig.
Kulang sa pansin, nakalapag sa sahig. 

Kulay pink man ang aking kulay. Ako pa rin ay may silbi.
Nakatunganga sa langit, nakatupi sa tabi. 

Sigurong talagang makapal ang aking mukha.
Sa init, sa lamig di ako lumuluha.
Hindi man ako nagkakasakit, ako man ay nasisira din…


Written by reiji_8, edited by amplifier and first appeared on www.peyups.com on 18th September 2005.

1267 Total Views 1 Views Today