Ang Ipis Ng Buhay Ko

Galing ako sa lilipatan naming apartment kanina. Halos kalahating araw akong nag-ayos ng gamit, para paglipat ko sa sunod na Linggo, magpapahinga na lang ako. Bago ako naglipat, nagwalis ako. Nag-baygon yata yung may-ari kaya mga kulang-kulang labinlima yung nawalis kong patay na ipis. Kaya nagulat at nandiri ako nung saktong labinlimang patay na ipis na naman ang naipon ko kanina. Paglabas ko, nakita ko sa bukas na manhole ang isang tumpok ng mga ipis, mala-“Joe’s Apartment”. Hindi nga lang sila kumakanta o sumasayaw. Gumagapang at nangagamoy lang sila.

Bakit kaya ang mga peste sa buhay, imposibleng mawala?

May ipis din akong maituturing sa buhay ko. Naging kaklase ko siya nung kolehiyo. Siya ang pinaka-masokistang taong nakilala ko sa tanang buhay ko. Pinagmumura’t pinagtatakot na ng mga kaibigan ko at mga kaibigan niya, hindi pa rin nagsasawa. Tinakot na nung kaibigan kong nagpanggap na boypren ko, hindi pa rin tumigil. Nagkaboypren na ko’t lahat, sige pa rin.

Nariyang punuin niya ang dati kong pager ng kung anu-anong mensaheng papansin. Hindi man niya ginagamit ang tunay niyang pangalan sa page, sasabihin din naman niya sa akin pag nagkita kami na siya ang nambulabog sa akin. Nang magkaroon ako ng cellphone, hindi siya nagsawa sa kakatawag at kaka-text. Bumilib din ako sa kanya. Minsan kasi, tinanggap ko ang tawag niya pero hindi ako nagsalita. Hindi niya binaba ang telepono, kahit na nagwaldas siya ng pera sa kakapakinig sa tunog ng electric fan sa kwarto ko. Nang nabwiset ako, pinatay ko na lang ang telepono ko.

Sinubukan kong manahimik, maging mabait, maging reyna ng katarayan, hindi pa rin nagsawa. Gusto pa rin daw niya akong maging kaibigan, kahit na marami raw akong “kasalanan” sa kanya. Ako raw kasi ang dahilan kung bakit sumali siya dati sa isang “group therapy session” para ikuwento yung “isang babaeng hindi ko maintindihan kung bakit galit sa akin.” Kaya kung gusto niyong malaman kung gaano kasama ang ugali ko, kausapin niyo siya. Hindi man niya kayo sagutin, maniwala kayo, alam niya dahil may firsthand experience na siya.

Wala naman daw siyang gusto sa akin. Tuwing nag-uusap kami, sinasabi niya sa akin na wala raw ako dapat ikagalit, kasi hindi naman niya ako gusto. Pero wag ka, nang minsang magkamali ako’t sinabi ko sa kanya na payag akong maging magkaibigan kami, nung tumagal-tagal, kung anu-ano na ang pinagsasabi niya sa akin. Nandiyan yung, “Pag naging Presidente ako ng Pilipinas, ikaw ang first lady ko ha.” Classic din yun linya niyang, “Siguro kung may contest para sa pinaka-nagmamahal sa iyo, siguradong kasali ako sa top three.”

Peste talaga. Pero quits lang pala kami. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ganun siya kakulit.

May konsensiya naman akong tao. Pero pagdating sa kanya, ewan ko, hindi ako naku-konsensiya. Siguro sanay na akong sinasaktan siya, at nakundisyon na ata ang utak kong saktan siya ng paulit-ulit dahil hindi rin naman siya tumitigil. Natatakot pa siguro, puwede. Medyo takot ako sa ideya na baka habang tinatarayan ko siya, biglang mag-Armageddon. Derecho pihado ako sa ilalim ng lupa.

Walong taon na kaming nagtatagisan ng abilidad. Sa tinagal-tagal ng panahon na iyon, para na kaming naglalaro ng strategy game. Ang goal ko, maitago ang numero ko ng hindi niya natutunton. Ang goal niya, makuha sa kung sinong pontio pilato ang numero ko. Nakailang palit na ako ng SIM card, mawala lang siya sa landas ko. Huli akong nagpalit, halos tatlong taon na ang nakakaraan. Akala ko naman, magkakaroon na ako ng katahimikan.

Nagising ako kaninang umaga dahil sa ingay ng telepono ko. Hindi ko pala nai-silent bago ako matulog. Sa hirit pa lang na, “Hi! This is a friend of yours. Musta ka na?” alam ko na. Talo na naman ako. Halos walong taon na naming nilalaro ang bwiset na larong ito, at nahahabol niya pa rin ako.

Sabi ng isa kong kaibigan, “Kill him with kindness.” Kaso, hindi tumatalab sa kanya yun. Ang kabaitan sa kanya, parang gaas sa nagniningas na baga. Ang katarayan, parehas din ang epekto. Kaya kanina, naisip ko, hindi ko na lang siya papansinin. Tutal, mahahanap din naman niya ako ulit. Wala naman ata akong mapagtataguang hindi niya makikita. Kung ayaw, maraming dahilan, at kung gusto, maraming paraan di ba?

Pupunta pala ako ng SM bukas. Magkano kaya ang bagong SIM card ng Globe?

Written by LySiNe, edited by blue_kuko and first appeared on www.peyups.com on 23rd January 2005.

1468 Total Views 2 Views Today