Monthly Archive: February 2015

The Day You Die

How would it feel to wake up on the day you die? What would it be like to realize that today would be the end of the rest of your life? Well of course, unless you plan to die by lethal injection, by suicide or by euthanasia, you would not realize that you are destined to die in 24 hours, right? I do not believe …

Hari Ng Kalye

Mga boses na sintinis ng sirena ng pulis ang gumising sa kanya. “Langit! Lupa! Impiyerno!” Paulit-ulit ang pagkanta. “Im-im-impiyerno! Saksak puso! Tulo ang dugo!” Palakas nang palakas. “Patay! Buhay! Aaaa-lis!” Tumagilid siya at nagtakip ng unan sa tenga para muling makatulog, pero saka napili ng mga naglalaro ang taya; lalo lamang nagsigawan ang mga bata nang magsimula na silang maghabulan. Punyeta. Sa dami ng kalye …

ABaKaDabra

Bukas, alas-diyes ng umaga, patitigilin ko ang oras. Hihinto sa pag-ikot ang mundo at ang araw ay mapipirmi sa kanyang kinaroroonan sa kalawakan. Walang makakapansin ng mga pangyayaring ito dahil patitigilin ko rin ang pagkilos ng bawat tao, hayop at makina. Walang gagalaw sa loob ng isang buong araw; ako lang ang maiiwang humihinga sa daigdig nating babalutin ng katahimikan. Maswerte ka, nakaabot sa iyo …

Nang Magtagpo Ang Dalawang Supot

Ng maalimpungatan si Lemuel, kinapa niya agad ang loob ng kanyang brief, at saka pinawalan ang isang malalim na buntonghininga nang makumbinsi ang sarili—buo pa ang kanyang bayag at titi. Walang tumatagas na dugo. Walang natapyas na laman. Walang kahit anong pananakit bukod sa kanyang pantog na nagsasabing siya’y naiihi. Ang matangkad at maitim na lalaking humahabol sa kanya habang iwinawagayway ang kinakalawang na lagari …

Sa Chowking

Matapos matunaw ang yelo ng iced tea, matapos magsawa sa pagkalam ang aking sikmura, matapos kong panooring magsubuan ng halo-halo ang magkasintahan sa tapat ng aking inuupuan (nakasampung pasahan sila ng kutsarita bago maubos ang kinakain), dumating ang waiter na may bitbit ng aking hapunan. Hanggang dito ba naman, kailangan ko pa ring maghintay? Inilapag ng waiter ang mangkok ng chao fan, ang plato ng …

M.D.

“Whatever you can do, or dream you can, begin it. Boldness has genius, power, and magic in it.” — Johann Wolfgang von Goethe I am not supposed to be in Med. While most people – I, at times – say I shouldn’t be a doctor, the real reason is because I couldn’t. Although I already knew since first year high school that I wanted to …

Palimos Ng Kulangot

“Kuya, penge ng kulangot,” sabi niya. Ang unang pumasok sa isip ko, hindi ko siya kapatid. Noon lang kami nagkita; nagkataong siya ang nakatabi ko sa bus pauwi. Kung akala niya, nadadala ako sa pa-“Kuya, kuya” ng mga taong hindi ko kilala, nagkakamali siya. Pangalawa, sa pagkakaalam ko, ang kulangot ay sinusungkit mula sa ilong upang ipahid sa ilalim ng mesa, idikit sa pader, iipit …

Himbing

Naalimpungatan ka sa ugong ng electric fan. Gaya ng nakagawian, nakatutok ito sa mga paa mo. Kinilatis ng iyong mga tenga ang tunog na dulot ng pag-ikot ng elisi nito: malumanay, kawangis ng pag-ihip ng hangin na sinasabayan ng paghuni ng mga ibon sa probinsya, hindi dumadagundong, hindi sumisigaw ng “Tungaw! Gising na! May exam ka pa ngayong umaga!” Hindi mo na kailangang idilat ang …

Dwende

Takot ako sa mga dwende. Pinatay ng mga dwende ang tatay ko kagabi. Nang mapansin kong nakahandusay siya sa loob ng aming barong-barong, hindi ko pa yun alam. Subsob ang mukha niya sa basang sahig (tumutulo na naman ang bubong) habang nakakapit ang kanang kamay sa paa ng mesang patungan ng tv kapag hindi kami kumakain at higaan ko naman kapag gabi. “Nanay, hindi po …

Kuwentong 100

Scalpel Mag-o-overtime uli siyang mag-isa sa lab. “Ma-uno mo Anatomy niyan!” hirit ni Jan bago umalis. Ngumiti lang siya. Balak niyang mag-ikot. Ngayong nasa Lower Extremities Interval na sila sa klase, kung saan-saan na itinatambak ang mga puso at atay ng ibang bangkay. Sayang. Naalala niya nang tanungin siya ng ama, ano ba ang itsura ng kinukutkot nila? Akala nito, parang baboy na mabibili mo …

Nawawala, Nagwawala

Nawawala ang capo ng gitara ko. Hinalughog ko na ang buong apartment na tinitirhan ko — bawat cabinet at bawat drawer, bawat libro at bawat appliance, kulang na nga lang e bunutin ko mula sa lupa ang buong bahay at itaktak nang patiwarik, baka sakaling malaglag ang hinahanap ko mula sa kung saan mang kasuluk-sulukan, kadilim-diliman at kadumi-dumihan — pero wala pa rin. Naiwala ko …

Ang Kamay

Dati-rati Ipinanguguhit lang ng bahay Panira ng laruan Pangmano kay Itay Kinukulayan ang mundo ng kasiyahan Binibilang ng mga daliri bituin sa kalangitan. Sino nga ba ang mag-aakala Na ito’y mabibigyan ng pagkakataong Makapaglingkod sa kapwa? Sapagkat ngayon Pagdaan ng pangarap at pagsisikap Dadamputin ang steth at libro Papasok na ako. Ipanggugupit, ipantuturok Ipansusundot, ipanghuhugot Ipanghahaplos. Ipampipisil, ipanlilinis Ipantuturo, ipanghahagod Ipanggagamot. Bagamat sandali lamang Pagtatagpo …

Writer (Daw) Ako

Writer ako. Obvious ba? Kaya nga pangalan ko ang nasa by-line ng artikulong ito. Kaya nga hindi ako mapakali kapag may salitang nasa dulo ng dila ko. Kaya nga maghapon na akong nagta-type sa PC ko. Kaya nga may binabasa ka ngayon sa harap mo. “Really? Writer ka?” Kung ayaw mong maniwala, e ‘di huwag. Basta, writer ako. Iba’t iba na nga ang naisulat ko …

On Dreaming

Mr. Anthony Jose Tamayo, Mr. Alfonso Loreto, Dr. Loureli Carreon Siy, Supt. Hilbert Flor, members of the faculty and administrative staff, parents, guests, Junior Perpetualites, good afternoon. May I kindly ask the graduates to stand. Today is the culmination of four years of hard work. It is not easy to be a high school student. You are at the stage when adults no longer tolerate …